Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte, Putin muling magkikita sa Russia
Duterte, Putin muling magkikita sa Russia

Duterte, Putin muling magkikita sa Russia

NAKATAKDANG bu­mi­sita sa Russia si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

Nabatid kay Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo na tinanggap ni Pangulong Duterte ang paanyaya ni Russian President Vladi­mir Putin na magtungo sa kanilang bansa.

“Ang sabi niya ay inim­bitahan siya ni Russian President at tinanggap na niya. Ia-announce niya na lang kung ano ang mangyayari roon,” ani Panelo.

Inaasahan aniya ang ibayong pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia.

Matatandaan na wala pang 24-oras nanatili si Pangulong Duterte sa Moscow noong 2017 dahil kinailangan niyang bumalik agad sa Filipinas sanhi nang pagsiklab ng Marawi siege.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top