Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Level-up na ang career… Singer-dancer-choreographer JC Garcia nag-iisang special guest ni KZ Tandingan sa World Tour Concert
Level-up na ang career… Singer-dancer-choreographer JC Garcia nag-iisang special guest ni KZ Tandingan sa World Tour Concert

Level-up na ang career… Singer-dancer-choreographer JC Garcia nag-iisang special guest ni KZ Tandingan sa World Tour Concert

Matapos makasama si Lou Bounevie sa jampacked na “Rock for Mother Earth” Concert at ang mga naging guests ni Lou na sina Jam Morales, Odette Quesada, at Fe de Los Reyes held at Fort Mc Kinley Brentwood, South San Francisco.

This September 29 ay si JC Garcia ang nag-iisang special guest ni KZ Tandingan sa kanyang “Supreme: World Tour Concert” na gaganapin sa Atherton

Auditorium, San Joaquin, Delta College 5151 Pacific Avenue. Malaking concert ni KZ ito at excited na si JC na magperform.

Sa October 5 mapapanood ang nasabing singer/dancer/choreographer sa kanyang solo concert na “Dance Your Night Away” with his band Projex Inx Band at magsisilbing guests rito ang kaibigang recording artist noong 80s na si Yolanda at sina Jennifer Poblete at Anette Velasco.

Gaganapin ito sa popular na Ichiban Comedy Bar sa 120 Hazelwood Dr. South San Francisco CA 94080.

Sing and dance dito si JC ng dance hits noong 7os, 80s and 90s. Major sponsors niya sa kanyang show ang mga Donyang Realtor BFF na sina  Madame Marilyn  Bechklehimer, Realtor ng Better Homes real State at Dorie Ramirez, broker/owner ng Bay Area Homes Realty.

Ngayong 12 Oktubre, kabilang si JC sa mga performer sa isang Fundraising Benefit Show for the 455th Anniversary of the Manila-Acapulco Galleon. Gaganapin ito sa famous na The Philippine Cultural Center at the heart of Downtown San Francisco sa mission street. Pangungunahan ng lead CP Jazz singer na si Willie Santamaria.

Si JC rin ang special guest sa coming concert ni Rachel Alejandro this October 25 sa Ichiban Comedy Bar, at bongga at special request talaga siya ng producer. Sa December 19 bago ang baka­syon ni JC either Europe o sa Filipinas ay mapapanood muna siya sa “Christmas Dance Party with the Projex Inx Band.”

This is a Christmas party concert for all JC Gar­cia’s Friends, BFFS and more!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top