Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Lorenzana umaming ‘binulag’ sa JVA ng DND — Dito telco
Lorenzana umaming ‘binulag’ sa JVA ng DND — Dito telco

Lorenzana umaming ‘binulag’ sa JVA ng DND — Dito telco

‘BINULAG’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Defense Secreta­ry Delfin Lorenzana nang pumirma sa joint venture agreement na nagpa­hintulot sa China-linked telco firm na magtayo ng pasilidad sa mga kampo militar sa bansa.

“The DND Secretary texted me about it and he said he doesn’t know anything about it and he is going to investigate and ask the concerned people involved in the deal so we’ll wait for his findings,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo.

Ang Dito Tele­com­munity Corp., dating Mislatel consortium ni Duterte crony Dennis Uy at state-run China Tele­com para maging third telco player sa Filipinas.

Napaulat na noong nakalipas na 13 Agosto ay lumagda sa kasundun ang AFP at Dito para magtayo ng commu­nication facilities sa mga kampo militar sa bansa.

Tiniyak ni Panelo na kapag nalagay sa peligro ang seguridad ng bansa ay maaaring ibasura ang kasunduan ng AFP at Dito.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top