Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak ni Melanie, itinanghal na Miss World Philippines 2019
Anak ni Melanie, itinanghal na Miss World Philippines 2019

Anak ni Melanie, itinanghal na Miss World Philippines 2019

KITANG-KITA ang katuwaan ni Miss International Melanie Marquez nang tanghaling Miss World Philippines 2019 ang kanyang anak na si Michelle Marquez-Dee noong Linggo sa Araneta Coliseum. Tinalo niya ang iba pang 40 kandidata at siya ang magre-represent sa Miss World na gaganapin sa London, United Kingdom.

Si Michelle rin ang nakakuha ng ilang special awards tulad ng Miss Myra E, Miss GCOX, Miss Bench, Miss Bluewater Day Spa ka-tie si Casie Banks, at Miss Best Skin  ka-tie naman si Kelley Day.

Itinanghal namang Miss Reina Hispanoamericana si Katrina Llegado, Miss Eco Philippines si Kelley Day, Miss Multinational si Isabelle de Leon, Miss Tourism Philippines si Glyssa Leiann Perez, Miss Eco Teen Philippines si Vanessa Mae Walters, 1st Princess si Shannon Kerver, at 2nd Princess si Casie Banks.

Pasok din sa Top 12 sina Glyssa Perez, Tracy Maureen Perez, Billie Hakenson, Michelle Arceo, at Michelle Thorlund.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top