Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, ipatatayo na ang dream house ng ina; TF, pwede nang itaas sa P5-M (Krisis sa pelikulang Pilipino, ‘di totoo; P1-B kita, kaya pala)
Kathryn, ipatatayo na ang dream house ng ina; TF, pwede nang itaas sa P5-M (Krisis sa pelikulang Pilipino, ‘di totoo; P1-B kita, kaya pala)

Kathryn, ipatatayo na ang dream house ng ina; TF, pwede nang itaas sa P5-M (Krisis sa pelikulang Pilipino, ‘di totoo; P1-B kita, kaya pala)

IPATATAYO na raw ni Kathryn Bernardo ang dream house ng mother niya ngayon na rin mismo. Aba, kayang-kaya naman siguro niyang gawin iyan. Dalawang pelikula na niya ang kumita ng mahigit na P800-M sa mga sinehan lang. Wala pa roon ang video at tv rights. Baka sa bonus lamang niya sobra-sobra pang makapagpagawa siya kahit na dalawang bahay.

Siguro kung ang pelikula mo ay kumita ng mahigit P800-M, at hindi naman kalakihan ang siningil mong talent fee, aba eh pambili lang ng taho iyon kung ang bonus mo P20-M lang. Sa laki ba naman ng tinubo ng pelikula mo.

Nakatiyempo si Kathryn. Nakatali lang iyan sa kontrata eh, kung hindi, aba kahit na maningil iyan ng P5-M talent fee sa isang pelikula, may kakagat.

Krisis sa pelikulang Pilipino, ‘di totoo; P1-B kita, kaya pala

NOONG araw, iyang gross na P1-B ay pangarap lamang para sa Metro Manila Film Festival. Gusto nilang maabot ang P1-B gross para sa 10 araw na festival, palabas ang walong pelikulang Filipino. Ewan, umabot na ba sila sa pangarap na iyon? Pero ngayon maliwanag na ang P1-B ay maaari palang kitain ng isang pelikula lamang.

May dalawang pelikula nang kumita nang mahigit na P800-M, at iyon ay gross para sa theatrical exhibition lamang. Kung susumahin pati ang tv rights at video rights ng pelikula, lampas na sa P1-B iyon.

Ang sinasabi namin, wala naman pala talagang krisis sa industriya ng pelikulang Pilipino, dahil kung mayroon bakit may mga pelikulang kumikita ng ganyan kalaki? Ibig sabihin, ang krisis ay nasa gumagawa ng pelikula, kasi bigo silang gumawa ng mga pelikulang gusto ng tao. Para silang nagluto ng pansit na puro bihon, walang halo kaya walang gustong kumain. Para silang gumawa ng ginataan na ang halo ay puro sago.

Ang dapat na gawin niyang mga gumagawa ng pelikula, na wala nang sinabi kundi bagsak ang industriya dahil wala na silang makuhang suporta, ayusin naman nila ang trabaho nila. Gumawa sila ng mga pelikulang magugustuhan ng mga tao, para hindi sila laging inggit na lang sa kumikita ng malaki.

Ngayon tingnan natin, may film festival na naman. Sampu ang pelikula. Lahat ng sinehan daw sa buong bansa ay dapat magpalabas ng mga pelikulang iyon sa loob ng isang linggo. Iyan kayang 10 pelikulang iyan sa kabuuan ay kikita kahit na kalahating bilyon lamang sa loob ng isang linggo?

Aba kung hindi, dapat tigilan na nila iyan dahil maliwanag na ang ginagawa nilang pelikula ay hindi makukuha ng suporta ng publiko. Kung ipipilit nila ang mga pelikulang ginagawa nila, wala na ngang kinabukasan ang industriya rito sa ating bansa. Wala nang development!

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top