Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joshua, nagso-solo na sa commercial (Paano na si Julia?)
Joshua, nagso-solo na sa commercial (Paano na si Julia?)

Joshua, nagso-solo na sa commercial (Paano na si Julia?)

O, ayan, may solo appearance na si Joshua Garcia sa Jollibee commercial, na rati silang magkasama ni Julia Barretto.

Siyempre pa, tuwang-tuwa ang fans ni Josh. Siyempre pa rin, nagtataka naman ang fans ni Julia kung pagagawin din ang idol nila ng separate solo Jollibee commercial. Ang sagot dyan ay pwedeng oo. Pwede ring hindi, dahil baka ayaw ng kompanya na maapektohan ang Jollibee ng reputasyon ni Julia. (Of course, reputasyon lang naman ‘yon. Marami namang masamang reputasyon na mali, na ‘di naman pala totoo.)

Okey lang naman na ‘di na magkasama uli sa pelikula sina Josh at Julia pagkatapos maipalabas ng Block Z, ang horror-thriller na break na yata sila noong tinapos nila. Malamang na problemahin ng Star Cinema/Black Sheep ang pagpapalabas sa Pilipinas niyon kaya posibleng sa international film festival circuits na lang nila muna ito i-release.

Si Mikhail Reid ang direktor ng Block Z at tanggap na tanggap ang mga pelikula n’ya sa international film festivals. At kung papupuntahin sina Julia at Josh na magkasama sa mga festival sa labas ng bansa, baka naman ma-develop uli sila. At ‘pag nangyari na ‘yon, pwede nang kumita sa Pilipinas ang pelikula.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top