Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 3 holdaper timbog

3 holdaper timbog

TATLONG holdaper ang nasakote sa follow-up operation matapos biktimahin at tangayin ang magdamag na kinita ng isang taxi driver kamakalawa sa Caloocan City.

Nahulihan din ng mga tunay at pekeng armas ang mga dinakip na sina Ralph Bertulfo, alyas Rap Rap, 34 anyos, cellphone technician, ng Phase 3, Package 2, Block 54, Lot 3, Barangay 176, Bagong Silang; Oliver Ramil, 45 anyos, taga-Area A, Libis, Barangay 175, Camarin; at  Jiener Billones, 23, kapwa barker, ng Phase 80, Block 66, Barangay 176, Bagong Silang.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, nadamba ang tatlong suspek sa follow-up operation sa Bagong Silang, dakong 3:30 pm.

Bago ito, dakong 5:00 am ng nasabing araw ay dumulog sa Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 ang taxi driver na si Virgilio Suganob, 58 anyos, taxi driver, ng Phase 1, B27, L8, Pabahay 2000, Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan matapos holdapin ng mga suspek sa Phase 3, Brgy. 176, Bagong Silang.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng PCP-3 sa pangunguna ni P/Maj. Jobbie Astucia, nadamba ang mga suspek at nakompiskahan ng isang cloud cellphone na nagkakahalaga ng P1,300, isang sumpak at dalawang shell ng 12-gauge shotgun, isang pen gun, tatlong bala ng kalibre .38, isang pekeng baril at isang granada. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top