Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, ‘di pressure na pantayan ang kinita ng pelikula ni Alden
Maine, ‘di pressure na pantayan ang kinita ng pelikula ni Alden

Maine, ‘di pressure na pantayan ang kinita ng pelikula ni Alden

SA isang panayam ng press kamakailan, sinabi ni Maine Mendoza na wala siya ni katiting na pressure na nararamdaman para pantayan kundi man higitan ang kinita sa takilya ng pelikula ng kanyang other half na si Alden Richards.

By now ay running a billion pesos na ang domestic gross nito including its global screenings.

Like Alden, Maine is doing a film na hindi kapwa Kapuso ang leading man kundi si Carlo Aquino.

Categorically, sinabi ni Maine that making money at the tills doesn’t concern her at all. Hindi naman kasi siya ang producer.

Higit na mahalaga sa kanya ay ang mapaganda ang pelikula para masiyahan ang mga manonood.

Hindi man mula sa mismong bulsa ni Maine galing ang puhunan, dapat alalahanin ni Maine na kung floppey ang nilabasan niyang pelikula ay magdadalawang-isip na ang sinumang producer na bigyan siya ng assignment.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top