Friday , November 15 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Billy, Luis at Drew, idolong host ni Justin Lee
Billy, Luis at Drew, idolong host ni Justin Lee

Billy, Luis at Drew, idolong host ni Justin Lee

ISA sa aabangan sa newest musical variety show ng SMAC TV Production at IBC 13, ang SMAC Pinoy Ito! ang mahusay na actor/singer/host na si Justin Lee.

Isa si Justin sa host ng SMAC Pinoy Ito! na napapanood tuwing Sabado, 4:00-6:00 p.m. kasama sina Matteo San JuanMs Silka Bulacan 2018 Rish RamosIsiah TiglaoAiana JuarezMiko JuarezGabriel Umali with JB PaguioChloe RedondoMaria Laroco  atbp..

Kuwento ni Justin, bukod sa mga pasabog nilang production numbers, mag-eenjoy ang mga manonood sa kanilang mga segments na The Icon, Juan Danz: The Battle, Aiana Covered, Throwback Music, Danz Royalties, SMAC Circle of Artist Batch 6, Pinoy Song Hits, at Producers Cut.

Dagdag pa ni Justin sa kaibahan ng SMAC Pinoy Ito sa ASAP, STUDIO 7, at Sunday Pinasaya, “‘Yung show po kasi namin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga baguhan na gustong maipakita ang kanilang talento sa telebisyon.

“Kumbaga para sa amin hindi kami nakikipag-compete sa kanila. Ang gusto lang namin ay makapagpasaya ng mga manonood sa abot ng aming makakaya.”

Ang host na sina Drew Arellano, Billy Crawford, at Luis Manzano ang mga iniidolo ni Justin.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top