Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marco, triple daring sa Just A Stranger
Marco, triple daring sa Just A Stranger

Marco, triple daring sa Just A Stranger

AYAW magsalita ng tapos ni Marco Gumabao kung in the near future ay maga­gawa niyang mag-frontal nudity sa isang magan­dang proyekto lalo na’t carry na niyang magpa-sexy at magpaka-daring sa pelikula, teleserye at sa print ads.

Tsika nito sa mediacon ng pelikulang Just A Stranger kabituin si Anne Curtis, ilang beses din siyang nagpakita ng skin sa seryeng Los Bastardos at nag-brief na rin siya sa print ads ng Bench at ngayon ay super sexy at daring siya sa movie nila ni Anne.

Kaya naman ayaw niyang magsalita ng tapos, katulad ng daddy niya (Dennis Roldan) na nagpa sexy din noong kabataan nito, ‘yun nga lang  mas mapangahas at mas natapang ang kanyang daddy.

Ang Just A Stranger ay kuwento ng isang babaeng may asawa pero nagkaroon ng relasyon sa lalaking mas bata sa kanya nang mag­baka­syon  sa Portugal at ipinag­patuloy nang bumalik sila ng Manila. Ang Just A Stranger ay mapapanood sa August 21, 2019 na idinirehe ni Jason Paul Laxamana.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top