Thursday , September 18 2025

NOTAM sa Batasan Complex

NAGDEKLARA ng no fly zone sa House of Repre­sentatives sa Batasan Pambansa at sa buong bisinidad nito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mula 20-23 Hulyo 2019.

Ito ay bahagi ng security at safety pro­cedures sa First Regular Session ng 18th Congress at 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangu­long Rodrigo Du­terte.

Ayon kay CAAP spokes­man Eric Apolo­nio, mula 20 Hulyo dakong 9:00 am hang­gang 21 Hulyo dakong 11:00 am, ang drones at eroplano ay limitado sa paglipad sa loob ng 10-kilometer radius ng Batasan Pambansa.

Habang ang training flights ng flying schools na nakabase sa Luzon ay suspendido mula 12:00 am ng 22 hulyo hanggang 12:00 am ng 23 Hulyo.

Dagdag ni Apolonio, mananatili ang no fly zone mula 2:00 am hanggang 9:00 am 22 Hulyo sa loob ng 4 nautical miles radius mula sa lupa pataas ng 10,000 feet AMSL (above mean sea level) sa House of Representatives. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *