Sunday , December 15 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Impeachment vs VP Leni ‘deadma’ sa Palasyo
Impeachment vs VP Leni ‘deadma’ sa Palasyo

Impeachment vs VP Leni ‘deadma’ sa Palasyo

HINDI interesado ang Palasyo na ayudahan ang anomang posibleng impeachment complaint na isasampa laban kay Vice President Leni Robre­do dahil mas maraming mahahalagang isyung dapat harapin.

Pahayag ito ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo matapos sabihin ni Presidential Anti-Corruption Com­mission (PACC) Com­mis­sioner Manuelito Luna  na maaaring ma-impeach si Robredo bunsod nang pagsuporta sa resolution ng United Nations Human Rights Commission na imbes­tigahan ang human rights situation sa Filipinas sa ilalim ng drug war ng administrasyong Duterte.

“You know, we have better things to do. There are so many problems in this country,” ani Panelo.

Bahala na aniya si Luna kung ano ang kan­yang paniniwala at may iba’t ibang opinyon ang mga abogado.

“There are as many opinions as there are lawyers. The Impeach­ment Court will be the ultimate decider of that issue,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top