Sunday , October 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 11 tiklo sa Tondo buy bust
11 tiklo sa Tondo buy bust

11 tiklo sa Tondo buy bust

TIMBOG ang 11 katao sa buy bust operation sa Tondo, Maynila Martes ng hapon.

Ayon kay P/Capt. Elvin John Tio ng Manila Police District (MPD) Station 2, ikinasa ang operasyon sa isang bahay ng itinuturing na one-stop shop ng droga sa San Antonio St., Barangay 13.

Nabilhan ng poseur buyer ng P500 halaga ng shabu ang mga target na sina alyas Jennifer, 38 anyos, at alyas Rey, 54 anyos.

Nang positibong makabili sa mga suspek, agad sinalakay ng mga awtoridad ang bahay kung saan inaresto ang siyam pang indibidwal.

Nakuha mula sa mga suspek ang 13 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia, at P20,000 halaga ng sinasabing drug money.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top