Thursday , December 12 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Horror movie ni Kris, pasok sa MMFF
Horror movie ni Kris, pasok sa MMFF

Horror movie ni Kris, pasok sa MMFF

SA apat na pelikulang nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival, pinag-usapan ang pagkakasama ng pelikula ni Kris Aquino kasama si Derek Ramsay, ang (K) Ampon ng Quantum Films.

Taong 2014 pa kasi ang huling horror movie na ginawa ni Kris, ang Feng Shui 2, kaya marami ang nasiyahan dahil magbabalik ang orihinal na Horror Queen.

Hangad lang natin na gumaling na nga si Kris para maumpisahan na ang paggiling ng kamera.

Huling pelikula ni Kris ang Crazy Rich Asians last year kaya marami na ang sabik na muli siyang mapanood.

Ang tatlo pang nakapasok sa MMFF 2019 ay ang Miracle in Cell No. 7, na nagtatampok kina Aga Muhlach at Nadine Lustre ng VIVA Films;   Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza na handog naman ng APT Entertainment, Inc., ZET Productions; at ang Momalland nina Vice Ganda at Anne Curtis  ng ABS-CBN Film Productions at VIVA Films.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top