Friday , April 26 2024

Negosyante ayaw magbayad ng utang! Senator Bong Go ipinagyayabang!

SINO ba itong mag-asawang  negosyante na ang apelyido ay Angeles na nag-isyu ng tsekeng mahigit P1 milyong pagkakautang ngunit tumalbog ang mga tseke dahil closed accounts na pala!

Imbes magbayad ang mag-asawang dorobo galit pa sa pinagkakautangan at nagbanta na reresbakan ang pinagkakautangan! Ipinagmalaki pa na kaibigan siya ni Senator Bong Go dahil ang mag-asawang Angeles ay taga-Davao City at kilalang milyonaryo dahil may paupahang gusali.

Ang mag-asawang Angeles ay pag-aari ang isang RTW store sa Davao City, ang RC Angels Fashion Center sa Barangay Poblacion, Magsaysay Ave., Davao City.

Pagkatapos umangkat ng local t-shirts, ay nag-isyu ng mga tseke na tumalbog naman!

Ayaw ni Senador Bong Go na ginagamit ang kanyang pangalan, dapat ang hinayupak na mag-asa­wang Angeles ay kompro­n­tahin ni Senador Bong Go!

Hindi dapat konsintihin ng Senador ang mga manunuba gaya ng mag-asawang Angeles.

‘Di ba Senador Bong Go?

Kapag sinisingil ng pinagkakautangan ang mag-asawang Angeles ikinakatuwiran na busy dahil maraming project si Senador Bong Go!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *