Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, suwerte sa mga anak
Sylvia, suwerte sa mga anak

Sylvia, suwerte sa mga anak

PROUD ang mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez sa magandang itinatakbo ng showbiz career ng kanyang mga anak na sina Ria at Arjo Atayde.

Katulad ni Sylvia, parehong mahusay na actor sina Ria at Arjo, patunay ang pagwawagi nila ng acting awards. At kamakailan, naiuwi ni Arjo ang Best Supporting Actor trophy para sa mahusay na pagganap sa BuyBust sa PMPC Star Awards for Movies.

Nominado rin ang actor sa 3rd Eddys Choice ng SPEEd sa kategoryang Best Supporting Actor para rin sa pelikulang BuyBust. Kaya puwedeng masabing ka-level na ng ina si Arjo kung galing sa pag-arte ang pag-uusapan.

Kaliwa’t kanan din ang mga proyektong ginagawa ng actor tulad ng The General’s Daughter (bilang si Elai) at pelikula.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top