Sunday , March 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Heart, ‘di kailangang ipa-freeze ang eggs — I’m really-really ok and I’m produce a lot pa
Heart, ‘di kailangang ipa-freeze ang eggs — I’m really-really ok and I’m produce a lot pa

Heart, ‘di kailangang ipa-freeze ang eggs — I’m really-really ok and I’m produce a lot pa

KAILANGAN pa nga ba ng isang Heart Evangelista ang isang Thiocell? Ito ang posibleng tanong ng ilan dahil maganda at maputi na ang aktres.

Ang Thiocell ay ang kauna-unahang premium oral glutathione supplement (in lozenge form) na nakapagbibigay ng glowing at more radiant skin. At kasabay ng paglulunsad nito, ang pagpapakilala kay Heart bilang brand endorser nito.

Sabi nga ni Heart, importante ang credibility sa kanya. Kaya bago siya mag-endoso ng isang produkto, tinitiyak niyang hindi masisira o madudungisan ang reputasyon niya, bukod pa sa gagamitin muna niya ito para subukin ang magandang dulot nito.

At sa kaso ng Thiocell, tiniyak ng magandang fashionista na binigyang kasiguruhan din ng mga doctor ang epekto nito. “Because there are so many medicines now in the market that’s just very commercial,” sambit ni Heart bukod pa sa paniniyak din niyang mapagkakatiwalaan ang kompanyang gumagawa ng Thiocell, ang Brady Pharma Inc..

Kuwento ni Heart kung paano niya nadiskubre ang Thiocell, “Actually I first discovered Thiocell, a year ago. ‘Yung friend ko, chief of staff ni Chiz (Escudero, gobernador ng Sorsogon ngayon), si Judy Aguilar, sinasabi niya na a lot of her friends are asking about Thiocell dahil a lot of doctors, at least 200, used Thiocell and a lot of people who came from a bad sickness like the letter C, a lot of them used Thiocell. So I’ve been wanting to be just very healthy, so tinry ko siya and I posted it. That’s where they figured that ‘maybe we should get her.’

“Kaya ko siya nagustuhan kasi through a friend. So yeah, I try it and use it. It’s really nice and it’s Vitamin C, may grapeseed extract, which is really good.”

Ayon naman sa director at COO ng Brady Pharma na si T. K. Rameash, “the grape flavored lozenge is dissolved in the oral cavity and can be consumed safely. All the active ingredients enter the systemic circulation intact, and that ensured highest efficacy.” 

Nang tanungin kung conscious pa ba si Heart na magpaputi pa, sinabi nitong noong bata siya’y gustong-gusto niyang magbilad sa araw. “Nagbibilad ako at least 2 hours para magpa-tan. I really like that look. And I think Thiocell not only I want to be whiter, this is really my skin tone, I’m not really white, it’s the glow. It’s different when you glow, no matter what skin tone. Parang you look healthier, parang even when you were something or even you’re a morena when you glow iba ang dating, that’s what I really want. And I’m really for the vitamin and being healthy.”

Safe ring inumin ng mga bagets na may edad lima pataas ang Thiocell gayundin ng mga buntis. Kaya naman natanong agad ang aktres kung kailan nito balak mabuntis?

Ani Heart, “I’m really not in a rush. To be honest, I was very traumatized with what happened to me. I’m a planner with my life and I’ve planned things and it’s the first time I guess, but I was tested by God, not everything will give what you want. So now it’s just when it happened, mysteriously it was just a shock that so many good things happen and so my husband decided that it’s important you really have to embrace what is now and ayokong tumanggi sa trabaho.

“So I really need to focus on what’s I really need this year, because I signed for a few things and it’s impossible for me to be pregnant while I do certain things. So, maybe without any pressure, if it happens by next year, it happens, if it doesn’t I have nothing to complain about. I’m very happy. I have two kids at home and I’m very hands on, and whatever God gives me, I don’t want to question. I’m very content. Kung ibibigay niya, ibibigay niya, that would be perfect. Close to perfect.”

Wala munang teleseryeng gagawin si Heart dahil sobra siyang nahihirapan sa ginagawa niya sa China. “Sobrang hirap ng ginagawa kong movie, kapag napanood ninyo, it’s really not me. Kaya hindi ko alam kung may time pa para gumawa ng teleserye tapos may ‘Starstruck’ pa.”

Hanggang end of this year pa ang shooting ni Heart sa China kaya naman parang ginagawa niyang Cubao ang China dahil may iba pang commitment ang aktres sa bansa.

Sa kabilang banda, inilunsad din ng Thiocell ang #RedefineBeauty campaign na sumusuporta sa mga kababaihang who go beyond the stereotype at confident and empowered in their own skin. Naniniwala kasi ang Thiocell na kailangan nating makita ang beauty sa bagong liwanag at ito’y sa pamamagitan ng skin deep. Ito ang ibinibigay ng Thiocell, ang real benefit ng glutathione, a beautiful glow that emanates from within.

Mabibili ang Thiocell sa lahat ng Watsons outlets at Mercudy Drub outlets nationwide gayundin sa Lazada at Beauty MNL.

Samantala, natanong naman si Heart ukol sa kung naisip din ba niyang ipa-freeze rin ang eggs niya tulad ng ibang artista na ginagawa ito? Ang pinaka-latest ay si Iza Calzado.

“I think, I don’t need. Kasi I get check-ups almost about every 2 months. I see my doctor a lot. After what happened to me, we just want to regulate if I was, you know, if I was ok pa.  I produce, wow super pa, okey pa. Technically I don’t need to do that. So I’m very okey, anytime if I try next time, I can get anytime. So although if I really, really want to, I have no qualms of whatsoever to try alternative pa.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top