Wednesday , August 27 2025
OFW kuwait

Deployment ban ng OFW sa Kuwait hiniling

HINILING ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP -ECMI) na magpatupad ng deployment ban sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Hinikayat din ng CBCP- ECMI ang gobyerno na ipatupad ang kasunduang pinagtibay ng Filipinas at Kuwait noong nakaraang taon para sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga OFW.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, dapat tiyakin ng dalawang bansa na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng isang Filipina na inabuso ng isang airport security personnel sa Kuwait.

Bukod sa pagtulong at pagbibigay ayuda, kailangan aniyang ipatupad ang nasabing kasunduan upang matigil na ang pang-aabuso sa OFWs.

“Both government must see to it that the suspected rapist-in-uniform must be prosecuted, punished, justice must be served to our con national,” ani Santos.

Malinaw aniya na paglabag sa kasunduang nilagdaan ng dalawang bansa sa pangangalaga sa kapakanan, kaligtasan at pangangalaga sa karapatan ng mga manggagawang Filipino.

Naninindigan din ang Obispo na dapat maaresto at maparusahan ang 22-taong gulang na suspek na kinilalang si Fayed Naser Hamad Alajmy na dumukot at gumahasa sa OFW.

Ipinatupad ang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, noong Pebrero ng nakalipas na taon matapos ang kalunos-lunos na pagpatay kay Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng isang freezer.

Binawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ban noong Mayo ng nakaraang taon matapos lagdaan ng pamahalaan ng Filipinas at Kuwait ang isang kasunduan na naglalayong mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW sa Kuwait.

Sa kasunduan, nakapaloob ang pagkakaroon ng special police unit na magsisilbing katuwang ng Embahada ng Filipinas sa pagsasagawa ng rescue operations at pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangang OFWs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

4 tulak dinakma sa Gapan, NE
P1.2-M shabu, 2 loose firearms nasabat

NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1.2-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu at dalawang loose …

Warrant of Arrest

Sa Bulacan
Bebot timbog sa 13 warrant of arrest

ARESTADO ang isang babaeng sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal at kabilang sa most wanted …

Brian Poe Llamanzares Pangasinan

Serbisyong totoo: Brian Poe, nagdala ng ayuda sa mga kababaya sa Pangasinan

San Carlos, Pangasinan — Isang makulay na gabi ng musika at pasasalamat ang idinaos ng …

Arrest Shabu

P.2-M shabu, patalim nakuha sa 16-anyos estudyante sa loob ng eskuwelahan

ISANG estudyante na hinihinalang sangkot sa sindikato na pagpapakalat ng ilegal na droga ang nakuhaan …

Isko Moreno Alvarez St Avenida Joel Chua

Covered court ipinagiba ng congressman
Construction site, heavy equipment ipinakandado ni Yorme Isko Moreno

GALIT na ipinakandado ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga heavy equipment at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *