Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hiwalayang Julia-Joshua, for real o pang-promo?
Hiwalayang Julia-Joshua, for real o pang-promo?

Hiwalayang Julia-Joshua, for real o pang-promo?

DAHIL ba gumagawa pa rin naman pala ng pelikula bilang magkatambal sina Julia Barretto at Joshua Garcia, sapat na pruweba na ba ‘yon na sila pa rin naman?

Biglang may mga nagdudang hiwalay na ang mag-sweetheart dahil sa misteryosong ‘di pagbanggit ni minsan man lang ni Julia sa pangalan ng kilala ng madla na boyfriend n’yang si Joshua noong sumagot siya sa vlog interview sa best friend n’yang si Erich Gonzales ng ilang tanong tungkol sa pag-ibig.

Tinanong si Julia kung in love ba siya “right now.” ‘Di siya sumagot nang deretsahan. Siguradong alam n’yo ng Inglisera si Julia, at ang sagot n’ya sa best friend n’ya ay: “I am very much in love with the peace I gained just recently. It’s not with anybody… I’m not trying to say that I’m not in love with anybody. I’m just in love with the peace that I gained.” 

Ano bang kadramahan ‘yon ni Julia? Biglang very spiritual na ba siya? O gusto na ba talaga n’yang mahiwalay ang image kay Joshua sa pamamagitan ng pagpapaispiritwal?

Ang naunang naisip ng madla na dahilan sa pagsususpetsang hiwalay na ‘yung dalawa ay ang pakikipagtambal ni Julia kay Gerald Anderson sa kapapalabas lang  na pelikulang Between Maybes ng Star Cinema. Bago ‘yon ay nagbakasyon sa isang isla sa ibang bansa na ‘di kasama si Josh. Isang production executive o production assistant ang nakasama ni Julia. Usually, ‘pag nagbakasyon siya ay kasama ang pamilya n’ya, at may panahon na isinama nila si Josh. Siguradong ‘di nagsama sa isang kuwarto ‘yung dalawa.

Pagtapos ng bakasyon na ‘yon ay bigla na lang napabalitang parehong nasa Japan sina Julia at Gerald at gumagawa ng pelikulang parang ni walang naging pre-publicity.

Biglang ipinalabas ang Between Maybes and, happily, naka-two or three weeks ito sa mga sinehan nationwide bagama’t wala namang pagbabandong megahit ito.

Tapos, biglang lumabas ang blog interview ni Erich kay Julia. Pero ilang araw lang pagkalabas ng mahiwagang vlog interview ni Julia kay Erich, nag-post naman sa Instagram n’ya si Direk Mikhail Red ng litrato nina Julia at Josh na masayang kumakain ng dinner kasama ang co-star nila sa pelikulang Block Z na si Mikhail ang direktor with some of their co-stars.

Tungkol sa zombie apocalypse ang Block Z, na actually ay isang youth movie. Matagal na rin namang nai-announce ang paggawa nina Josh at Julia ng pelikulang ‘yon pero wala pang playdate kaya wala pang ibinabando tungkol doon. Wala pa sa publicity and promo stage ang Block Z. 

Pero may ipinasok na namang bagong balita ang ABS-CBN News website: Itatambal pala si Joshua kina Maja Salvador at Janella Salvador sa isang teleserye na ang titulo ay The Killer Bride.

Nag-story conference na nga para sa serye at ipinakita na nga ni Maja ang new look n’ya para sa serye.

Kung ang unang maieskedyul na ipalabas ay ang Block Z na pinagtatambalan nina Josh at Julia, tiyak na ang lulutang na development ay sweet na sweet pa rin sila sa isa’t isa at walang kalamat-lamat ang relasyon.

Pero kung ang mauunang i-release ay ang The Killer Bride, malamang na ang lumutang na development ay may lamat na ang relasyon nina Josh at Julia, o kaya ay nasa cool off stage sila.

Alinman sa dalawang ‘yan ang matuloy, magigiging masigla pa rin ang showbiz.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top