Sunday , October 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Young actor na panay pakita ng kaseksihan, dating sumasagala bilang Reina Sentenciada
Young actor na panay pakita ng kaseksihan, dating sumasagala bilang Reina Sentenciada

Young actor na panay pakita ng kaseksihan, dating sumasagala bilang Reina Sentenciada

IMPERTINENTENG bakla naman iyon. Inilagay pa sa display window ng kanyang tahian ang isang gown, at may nakalagay pang maliit na karatulang nagsasabing iyon ang gown na ginamit ng isang young male star noong siya ay maging Reina Sentenciada, sa isang santracruzan noong hindi pa siya artista. May matching colored picture pa sa tabi, at ang naka-suot ng gown ay hindi mo maikakailang ang male star na, na noon ay bata pa at hindi pa pa-macho na kagaya ngayon.

Isipin mo, ngayon ay panay pa ang pa-sexy sa social media, noong araw pala ay naging sagala sa Santacruzan, at Reina Sentenciada pa.

Kung sa bagay mas ok na iyon kaysa “infanta Judith.”

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top