Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Presyo ng petrolyo muling nagtaas
Presyo ng petrolyo muling nagtaas

Presyo ng petrolyo muling nagtaas

PABAGO-BAGO ang presyo ng produktong petrolyo.

Nagpatupad na naman ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 21 Mayo 2019.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philip­pines at Petro Gazz ang pagtaas ng presyo na P0.90 kada litro ng gaso­lina, P0.80 kada litro ng diesel habang nasa P0.75 kada litro ng kerosene na epektibo ngayong 6:00 am.

Asahan na magsu­sunuran g magpatupad ng pagtaas ng presyo sa mga produktong petrol­yo ang ilan pang kom­panya ng langis sa bansa sa kahalintulad na hala­ga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyohan nito sa pandaigdigang pami­lihan.

Huling nagpatupad ng taas presyo sa mga produktong petrolyo noong 29 Abril ng P0.75 kada litro sa gasolina, P0.80 kada litro sa diesel at P0.90 kada litro sa kerosene.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top