Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Indie actor, frontliner sa Bida Man
Indie actor, frontliner sa Bida Man

Indie actor, frontliner sa Bida Man

HINDI na bago sa showbiz ang isa sa Bida Man candidate na si Jay L Dizon na minsan na ring nagbida sa I Love Dream Guyz na naipalabas noong 2009 kasama sina Marco Morales, Sherwin Ordonez at iba pa na idinirehe ni Joel Lamangan.  

Ilan pa sa mga naging proyekto ni Jay L  ay ang Kapitan Awesome kabituin sina Empoy Marquez, Andrew E., Martin Escudero, Shy Carlos, Morisette Amon, Alwyn Uytingco, Ritz Azul atbp..

Bukod sa taglay na kaguwapuhan, magandang height, matikas na pangangatawan, at husay umarte, magaling ding kumanta at sumayaw ang 26 years old at pambato ng Pampanga na naging miyembro ng  Bae Alert, kaya naman marami ang nagsasabi na isa ito sa frontliner at mahigpit na makakalaban ng iba pang candidates ng Bida Man ng It’s Showtime.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top