Friday , April 26 2024

DOTr palpak pa rin sa serbisyong perokaril — Poe

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na palpak pa rin ang ser­bisyong ipinagkakaloob ng Department of Tran­sportation (DOTr) sa mga pasahero kung kaya’t disgrasya hindi mabilis na pagdating sa patutunguhan ang sina­pit ng mga pasahero ng LRT-2 sa Anonas Station.

Ayon kay Poe, imbes ang tamang tren ang paandarin at patakbu­hin sa mga riles ng train ay yaong mga hindi angkop sa kasalu­kuyang disenyo ng mga riles ng tren.

Buong akala ni Poe, naayos na ng DoTr ang kanilang serbisyo sa mga mananankay lalo na’t ilang beses na silang nagsagawa ng pagdinig ukol dito at tinawag ang atensiyon ng ahensiya ngunit wala pa rin palang naging saysay.

”Ang mga dapat umandar, hindi umaan­dar. ‘Yung mga hindi na­man dapat umandar, uma­andar. Talagang ‘wag nating isugal ang buhay ng ating mga pasahero. Mabuti na lang gano’n lang at walang nabawian ng buhay pero siguro isang bagay na talagang dapat tutu­kan talaga natin — ng DOTr — ‘wag nilang makaka­ligtaan ang mga trans­portasyon na nari­yan na dahil sa rami ng ibang inaasikaso rin nila,” ani Poe sa isang panayam.

Umaasa si Poe na dahil sa insidenteng ito ay matututo na ang DoTr at aaayusin ang susunod na serbisyo upang wala nang masaktan pang mga mananakay.

“Parang hindi nila nagagawa ang lahat ng dapat nilang gawin — I mean, kaya nga, bago tayo siguro manisi, tingnan natin, ano ba talaga ang teknikal na pagkakamali roon ng LRT kasi mabuti na lang, akalain mo nga hindi umaandar ang umandar, at ‘yung mga nakikita natin na dapat na umusad na, hang­gang ngayon ‘yung sinasabi nilang Dalian train, ilan lang ba ang napagana nila, isa, dalawa doon sa dapat na 16 yata na uma­andar,” dagdag ni Poe.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *