Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Political dynasty ibinasura ng botante — Panelo

Political dynasty ibinasura ng botante — Panelo

HINUSGAHAN ng mga botante ang mga natalong kandidato mula sa mga sikat na political dynasty batay sa klase ng kanilang pamamahala, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Presiden­tial Spokesman Salva­dor Panelo, simple lang ang sukatan ng mga botante lalo na kung ang pag-uusapan ay nasa lokal na antas.

Kung sa tingin nila ay naging maayos ang pa­mu­muno ng kanilang lider, tiyak na bibigyan sila ng mandato pero kung palpak ay hindi na iha­halal muli.

Ani Panelo, ito mara­hil ang nangyari sa ilang mga kilalang pamilyang kabilang sa mga tanyag na political dynasty na nakalasap ng pagkatao at tila ti­nul­dukan na ang karera sa politika.

Ilan sa mga kandi­dato mula sa kilalang political clan na sumem­plang sa katatapos na ha­la­lan ay mula sa pa­milyang Estra­da, Euse­bio at maging si dating Vice President Jejomar Binay na mahigit tatlong dekada sa politika ay tinabla ng mga botante sa Makati City.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top