Thursday , June 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald at Julia, fresh na fresh
Gerald at Julia, fresh na fresh

Gerald at Julia, fresh na fresh

ANG guwapo ni Gerald Anderson at ang ganda ni Julia Barretto sa pelikulang Between Maybes na idinirehe ni Jason Paul Laxamana dahil ang fresh nila parang hindi sila napuyat sa shooting, feeling namin ang aga nilang napa-pack-up kaya nakatutulog sila ng kompleto.

O baka kasi dahil sa klima sa Saga, Japan na roon kinunan ang pelikula, malamig at hindi napapagod masyado.

Anyway, realidad ang kuwento ni direk Paul na tungkol sa batang inagaw ng showbiz at hindi nakapag-aral dahil mas ginusto ng magulang na mag-artista na lang dahil nga breadwinner at higit sa lahat, mahina ang ulo sa klase.

Tiyak na magugulat ang fans ng JoshLia nito at sa fans naman ng Gerald at Bea Alonzo na mukhang hindi naman nila pagseselosan si Julia dahil alam nilang in love ang aktor sa movie queen.

Anyway, palabas na kahapon, Mayo 15 ang pelikula at sure kaming marami ang kinilig sa pelikula at sa ganda ng Saga, Japan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top