Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Oyo at Danica, idinaan sa social media, pagbati kay Vico
Oyo at Danica, idinaan sa social media, pagbati kay Vico

Oyo at Danica, idinaan sa social media, pagbati kay Vico

IDINAAN kapwa ng mga kapatid ni Pasig Mayor elect Vico Sotto na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto ang pagbati sa social media. Tinalo ni Vico si Mayor Bobby Eusebio.

Sa Instagram account ni Oyo, sinabi nitong, “Maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng tiwala, sa mga bumoto, at sa mga nakiisa sa ating laban… maraming, maraming salamat. Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig. Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago! Congratulations (Vico)! God is good!”

Sa isang photo caption sa story IG naman idinaan ni Danica ang pagbati sa kapatid. “Congratulations Mayor Vico!!! #Ibana #AllGloryToGod.”

Masayang-masaya rin ang kaibigan ni Vic na si Joey de Leon at sinabing, “Verified I WOKE UP…AND LIKED THIS! Totoo na ba? Yesss! Congrats VICO! Proud of you! So happy for you Mareng Coney! Pareng Vic, you’re the MAN<.”

Kitang-kita naman ang kasiyahan ng ina ni Vico na si Coney Reyes na kasama sa proclamation ng anak. Pasigaw na sabi ni Coney, “Glory to God! Thank you, Jesus!” kasabay ang pagtaas ng kamay ng bagong mayor ng Pasig.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top