Sunday , October 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Presinto sa Bohol naubusan ng balota
Presinto sa Bohol naubusan ng balota

Presinto sa Bohol naubusan ng balota

HAPON na nang magpa­tuloy ang botohan para sa 2019 midterm elections sa isang presinto sa Toril Elementary School sa bayan ng Albequerque, lalawigan ng Bohol.

Naghintay ang mga apektadong botante nang halos tatlong oras sa mga balotang ipadadala sa bayan ng Alburquerque na dumating dakong 3:00 pm o tatlong oras bago ang nakatakdang pagta­ta­pos ng halalan kaha­pon, 13 Mayo.

Pinili ng ibang botan­teng maghintay sa labas ng silid nang halos dala­wang oras samantala minabuti ng iba na umuwi na lamang.

Ayon kay Marita Balleon, chairman ng Board of Election Inspectors, 120 balota para sa Barangay Toril ng bayan ng Albequerque ang nagkamaling naipa­dala sa bayan ng Cordova sa Cebu.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top