Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, malakas ang dating para mag-Darna
Nadine, malakas ang dating para mag-Darna

Nadine, malakas ang dating para mag-Darna

MALAKAS ang haka-hakang si Nadine Lustre ang ipapalit kay Liza Soberano para mag-Darna kasunod ng pagpirma muli ng kontrata sa  ABS-CBN at pagwawagi ng Best Actress sa FAMAs at Young Circle Awards.

At kapag nangyari ito, marami ang matutuwa dahil sa tatlong pinagpilian  na mag-Darna mula kina Maja Salvador, 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, at Nadine, ang huli ang napupusuan ng marami.

Bukod kasi sa Pinay na Pinay ang looks ng aktres, may makinis na kayumangging kutis, maganda ang kurba ng katawan, husay umarte, wala itong keber na magsuot na sexy na katulad sa suot ni Darna.

Nang matanong nga si Nadine tungkol dito, excited itong sinabing handa niyang gampanan ang role ng isang Pinay Super Hero at sumigaw ng Darna kung ibibigay sa kanya.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

One comment

  1. I love reading through and I believe this website got some genuinely utilitarian stuff on it! .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top