Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, nainip sa takbo ng career
Maine, nainip sa takbo ng career

Maine, nainip sa takbo ng career

MAY mga ko­men­tong nainip marahil si Maine Mendoza sa bagal ng usad ng kanyang career kaya’t walang takot na ma-in-love kay Arjo Atayde.

Hayagan ang relation nilang dalawa, ang malaking katanungan lang saan kaya hahantong ang pag-iibigan nina Maine at Arjo? Puwedeng makasira ito sa career ni Maine.

May mga nagtatanong tuloy kung nagsawa na ba ang dalaga sa araw- araw niyang Sugod Bahay considering na sobrang init nga naman ngayon na kung saang lupalop sila dumadalaw.

Ang hula ng marami, magandang project ang hinihintay ni Maine pero three years na wala pa ring dumarating. Mabuti pa nga si Alden Richards nabigyan ng chance makapareha ni Kathryn Bernardo at makatikim ng pagdidirehe ni Cathy Garcia-Molina. At take note, sa Hongkong pa ang shooting.

Hindi masisisi si Maine kung tuluyang pag-ibig ni Arjo ang pag-ukulan ng pansin.

Well, sabi nga makapangyarihan ang pag-ibig maging sino ka man.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top