Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, gustong paliparin ng netizens
Nadine, gustong paliparin ng netizens

Nadine, gustong paliparin ng netizens

SA dinami-rami ng pinagpipilian para gumanap sa muling pagsasa – pelikula at paglipad ni Darna, tatlo ang napipisil ng netizens, sina Maja Salvador, 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, at Nadine Lustre.

Pero among the three Kapamilya stars, nanguna sa listahan si Nadine na bukod sa Filipina looks, maganda ang hubog ng katawan, at kulay kayumanggi.

Hindi rin naman matatawaran ang husay ni Nadine sa pag-aaksiyon at carry nito ang mag-ala Lara Croft, habang ‘di rin issue ang pagsusuot ng two piece. Bukod pa sa isa ito sa mahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Patunay dito ang pagwawagi sa Film Desk of the Young Critics Circle (YCC) for Best Performance (Best Actress) bilang Joanne sa Never Not Love You at sa FAMAS.

Pero ayon sa mahusay na actress, hindi siya umaasa na masusungkit ang  role bilang Darna pero malaking karangalan na mapasama sa top 3 choices ng mga netizen para gumanap para sa sikat na Pinay Super Hero.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top