Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sino ang handler ni Bikoy?
Sino ang handler ni Bikoy?

Sino ang handler ni Bikoy?

OSLA ang style ni Bikoy!

Marami tayong naririnig na ganitong reaksiyon.

Kumbaga, kahit saang anggulo tingnan, demolition job lang daw ‘yan.

Pero may nagsasabi rin na puwedeng ‘overkill’ ito sa mga isyung ipinupukol laban sa pamilyang Duterte para tuluyan nang mamatay ang mga bintang at usap-usapan.

Kaya marami ang nagtatanong, sino ba talaga ang handler ni Bikoy?!

Well, kung sino man ang handler ni Bikoy, isa lang ang segurado, marami ang kumita.

At marami rin ang natuwang IT experts na parang nagpataasan ng ihi para ipagmalaking mga ‘henyo’ sila.        

Dahil sa husay ng pagkakagawa, marami ang nagsasabing, “it’s too good, to be true” para ‘bilhin’ ng spectators.

Kahit sino ang puwedeng gumawa ng kuwentada sa isang papel para manira. Mas paniniwalaan sana ‘yan kung bank deposit slip ang ipinakikita ni Biko ‘este Bikoy.

Bukod diyan, halatang-halata na election propaganda ang OPN BIKOY.

Kung sa ‘kalaban’ nanggaling ang nasabing operation, masasabi nating ‘wrong timing.’

Kung sa mga supporter naman nagmula, well, masasabi nating…nakapuntos kayo.

Sa mga spectator, isa lang ang masasabi natin, huwag kayong sakay nang sakay.

‘Yun lang po!       

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top