Friday , September 12 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Pasasalamat sa ating OFWs

I was not given a day off. I was not even allowed to peek outside a window or step outside the door.

— Jean, a Pinay migrant worker in Saudi Arabia

 

TULAD ng isang atletang nahapo sa kalalangoy sa dagat, mabuti na lamang at nasasagip pa tayo ng ating magigiting na overseas Filipino workers (OFWs) sa abroad sa kanilang malaking kontribusyon sa ating ekonomiya nitong nakaraang taon.

Ayon sa April 2019 Migration and Development Brief ng World Bank, tumanggap ang ating bansa ng aabot sa mahigit US$33.8 bilyon, o P1.5 trilyon — ang ika-apat na pinakamalaking remittance mula sa mga migrant worker sa 2018.

Nanguna ang bansang India sa tinanggap nitong mahigit US$78.6 bilyon, kasunod ang Tsina sa US$67.4 bilyon, at Mexico sa US$35.7 bilyon.

Binigyang-pansin ng World Bank na kahit pa tumaas ang remittances nitong 2018 ng 3.1 porsiyento, mas mababa pa rin ito sa napatalang 5.4 porsiyentong paglago noong 2017.

Ito ang humatak sa Filipinas pababa nang isang antas mula sa ikatlong posisyon noong 2017.

Ipinaliwanag ng World Bank na ang pagbaba ng paglago ay dahil sa “significant drop ng 15 porsiyento sa mga private transfer mula sa Gitnang Silangan noong 2018.”

Gayonman, nakikita ng World Bank na makatutulong sa ating ekonomiya ang bagong polisiya ng Japanese government na kumuha ng mga dayuhang manggagawa sa susunod na limang taon para mapataas pa ang remittance flow sa ating bansa at gayondin sa walo pang ibang bansa na Cambodia, China, Indonesia, Mongolia, Myanmar, Nepal, Thailand at Vietnam.

Binigyang-pansin din ng World Bank na “magpapadala ng migrant workers mula sa siyam na bansa para sa 14 sector sa Japan na nakakaranas ngayon ng matinding labor shortages.”

Lumagda ang Filipinas sa isang memo­randum of cooperation sa Japan nitong nakaraang Marso ng taong kasalukuyan upang makapag­padala ng mga Pinoy worker para sa mahigit 100,000 posisyong kailangan mapunan.

 

REAKSIYON:

Ang tulong ng ating mga OFW para manatiling nakalutang ang ating ekonomiya at malunod ay dapat bigyang halaga ng ating gobyerno. Napapanahon na para makapag­balangkas ng tamang polisiya na magbibigay ng sapat na proteksiyon sa kanila habang sila’y nagpapawis, nagpupursigi at naghihirap sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na filespolice@yahoo.com.ph o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Dragon Lady Amor Virata

Aplikasyon sa Ombudsman ni Remulla hinaharang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata GAANO katotoo na hinaharang umano ni Senator Imee Marcos …

Sipat Mat Vicencio

Daza, Ongchuan at ang political dynasty sa Northern Samar

SIPATni Mat Vicencio KAPAG ang pag-uusapan ay politika sa Northern Samar, kaagad at mabilis na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *