Friday , April 26 2024
Gabby Concepcion

Gabby, dapat makipag-usap, malaking gastos at demanda maiiwasan

NGAYON talagang iniiwasan na iyang mga demandahan na iyan kasi nga masyadong masikip na ang ating mga korte. Maraming mga kasong kriminal na dapat madesisyonan na nabibinbin dahil sa rami ng mga kasong maaari namang resolbahin sa labas ng hukuman. Kaya nga kadalasan nagkakaroon muna ng mediation hearing, na pinag-uusapan iyang mga problema na inihaharap sa korte Kung maaaring pag-usapan na lang, para hindi na makasikip sa hukuman.

Iyan din ang dahilan kung bakit hindi dapat payagan ang “forum shopping,” iyong pagsasampa ng iisang kaso sa napakaraming piskalya na ang hangad lang naman ay baka makalusot sa isa kung maibasura man ng iba.

Parang ganyan lang ang nakikita namin sa kasong isinampa ni Mike Concepcion laban sa kanyang kapatid, ang actor na si Gabby Con­cepcion. Ang pinagtatalunan lang naman ay isang lupa na mahigit na 800 metro kuwadrado, na sinasabing ang tunay na may-ari ay ang kanilang inang si Lourdes Concepcion na nagmana noon mula sa kanyang mga magulang. Umano, naisalin ni Gabby sa kanyang pangalan ang nasabing lupa at naipagbili sa dating umuupa roon.

Ang akusasyon ni Mike, pinalsipika ni Gabby ang papeles at dahil sa ginawang iyon ay nawalan naman sila ng karapatan ng iba pa niyang mga kapatid na may karapatan din naman sa pag-aari ng kanilang ina.

Nagsampa ng demanda si Mike matapos na tumanggi umano si Gabby na makipag-usap sa kanila tungkol sa nasabing problema. Pero kung magkakausap daw sila ni Gabby, maaaring maayos pa ang problema dahil magkakapatid naman sila at hindi na dapat umabot sa ganyan.

Hindi nga ba mas mabuti kung makikipag-usap na lang si Gabby para maiwasan pa ang malaking gastos kung magdedemandahan pa sila?

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *