Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco at Yassi, naglamyerda sa Japan
Coco at Yassi, naglamyerda sa Japan

Coco at Yassi, naglamyerda sa Japan

KUMAKALAT din naman sa social media ang pamamasyal ng magkatambal sa seryeng sina Coco Martin at Yassi Pressman sa Japan. Parang maliwanag lang sa lahat, naroroon ang dalawang stars dahil sa isang promo show ng ABS-CBN, at siguro nga sinabayan na rin nila ng bakasyon kasama ang mga miyembro ng kanilang pamilya, tutal naroroon na rin sila.

Alam ninyo iyang mga artistang may ginagawang serye, aba halos tatlong araw sa isang linggo ang trabaho niyan, at iyong sinasabing isang araw, buong 24 oras iyon, minsan ay higit pa. Kaya kung off sila, tulog naman ang hinahabol nila.

Kung mahal na araw, at saka lang sila nagkakaroon ng bakasyon, kasi hindi naghahabol ng palabas ang mga serye. Sarado ang networks ng tatlong araw.

Hindi naman totoong nagde-date lang doon sina Coco at Yassi, at malisyoso naman iyong katanungang paano na raw kaya ang nanganak nang si Julia Montes?

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top