Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pangulong Digong napikon kay Oreta na walang paki sa ilegal na droga
Pangulong Digong napikon kay Oreta na walang paki sa ilegal na droga

Pangulong Digong napikon kay Oreta na walang paki sa ilegal na droga

MUKHANG napikon na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala umanong pakialam si Mayor Antolin “Len Len” Oreta III sa kanyang isinusulong na anti-illegal drug war.

Matindi ang pagbabanta at ultimatum ng Pangulo laban kay Mayor Len Len. Kung hindi raw seseryosohin ang anti-illegal drug cam­paign, tiyak na may kalalagyan siya.

Pansamantala, binigyan ng Pangulo si Mayor Oreta nang isang buwan para aniya’y linisin ang Malabon laban sa ilegal na droga.

Kung hindi…kanyang ipaaaresto at ipata­tapon sa Manila Bay.

Pero ayon naman kay Mayor Len Len, ang kanilang record ng kampanya laban sa ilegal na droga ang magsasalita para sa kanila.

Katunayan, ilang barangay na umano ang naideklarang drug-cleared at pinuri pa umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mukhang mayroon tayong hinihintay na showdown. 

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top