Saturday , April 20 2024

Memo ni Duterte sinisi ng RMP sa pagpatay sa 14 magsasaka

SINISI ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP), ang Memo­randum Circular No. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte na ugat ng pagpas­lang sa 14 magsasaka sa Negros Oriental nitong 30 Marso.

Giit ng RMP, isang organisasyon ng mga layko, pari at madre, ang pagpatay sa 14 magsa­saka ay bunsod ng Memo­randum Circular No. 32 ni Duterte at anila’y nagbigay-daan sa matin­ding militarisasyon sa Negros, Samar, at Bicol.

Mahigpit na kinon­dena ng grupo ang pama­maslang.

“We rebuke this evil and cruel act. The victims were killed mercilessly within earshot of their families. We appeal to the Commission on Human Rights to investigate these incidents and we pray that the perpetrators be held accountable and justice be given swiftly, “ ayon  kay Sr. Elenita Belardo, National Co­ordinator ng RMP.

Kasama sa mga nama­tay na magsasaka ang walong magsasaka mula sa Canlaon City na kabilang ang Avelino brothers na sina Ismael, 53, at Edgardo, 59, ng Sitio Carmen, Barangay Panubigan; Melchor Panares, 67, at ang anak na si Mario, 46, ng Sitio Tigbahi, Barangay Bayog; Rogelio Recomono, 52, at ang anak na si Ricky, 28, ng Sitio Manggata, Bara­ngay Masulog; Gonzalo Rosales, 47, ng Barangay Pula at Genes Palmares, 54, ng Barangay Aquino.

Si Edgardo Avelino ang namumuno ng HUKOM o Hugpong Ku­sog sa Mag-uuma sa Canlaon City.

ni Gerry Baldo

 

About Gerry Baldo

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *