Monday , May 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Greta to Dani: Ano ako, multo?
Greta to Dani: Ano ako, multo?

Greta to Dani: Ano ako, multo?

PARANG kulang sa pangaral ng ina si Dani Barretto na unang anak ni Marjorie Barretto. Kung kailan engaged na siyang magpakasal, at saka pa umaasta si Dani na parang pinalaki siyang mag-isa ng ina n’ya at walang itinulong ang ama n’ya o kahit na ang mga kapatid at kaanak ng nanay n’ya.

Dinamdam ng mga tiyahin n’yang sina Gretchen  at Claudine Barretto ang vlog (video blog) ni Dani na ang ina lang n’yang si Marjorie ang “most deserving” person na maghatid sa kanya sa altar sa nakatakdang pagpapakasal n’ya sa non-showbiz boyfriend na si Xavi Panlilio. 

Because she raised me on her own,” walang pakundangang proklama ng panganay ng dating aktor na si Kier Legaspi kung bakit ang ina lang n’ya ang may karagatan sa kanya.

Ipinamarali rin n’yang anim na taon na n’yang ‘di nakakausap ang tatay n’ya. Ang ama raw n’ya ang ayaw makipag-usap sa kanya.

This person has hurt me,” deretsahang paratang n’ya sa ama n’ya.

Okey lang daw na walang ama at mga kaanak n’yang nagmalasakit sa kanya dahil naroon naman daw palagi para sa kanya ang butihin n’yang ina at mga kapatid.

Sinagot siya ng magkapatid na tiyahin na kamakailan lang din nagkasundo.

Itinanggi nina Gretchen at Claudine ang pahayag na ang ina lang n’yang si Marjorie ang nag-aruga at nagmalasakit sa kanya.

Pahayag ni Gretchen kamakailan (March 21) sa isang Instagram Live session:  “Hindi po ako nagyayabang, I’m just trying to refresh the memory of everybody… Dani was the apple of my eye, I didn’t have any children yet, Dominique wasn’t born yet.” 

Hindi naman sa nanunumbat, pero ipinaalala ng live-in girlfriend ng bilyonaryong businessman na si Tonyboy Cojuangco na noong ipinanganak si Dani, siya ang nagbayad ng lahat ng gastos sa ospital.

Sa bahay umano ni Gretchen pumisan ang mag-ina at pati ang yaya na katulong ni Marjorie sa pag-aalaga kay Dani ay siya ang nagbabayad.

Idiniin n’yang siya at si Claudine,

provided Marjorie and Dani with everything, including love and attention.” 

Pagtatapat pa n’ya: “Minahal ko si Dani. I thought I was her second mother and when she called me mama, sineryoso ko iyon. So, parang noong sinabi niya na, ‘My mama was the only one there for me, who raised me,’ ano ako? Multo? Ano si Claudine? Multo?

Parang for me, ouch! Hindi ba parang ouch. I was hoping na I raised, or I gave love to people who at least can be grateful. Not counting the material things that I give away. But the time, the love and the attention, ‘yun lang.”

Plano nilang magkapatid na ‘di sila dadalo maski na kumbidahin sila.

Actually, may nauna ng sagot kay Dani ang ama n’yang si Kier sa sarili nitong Instagram. Nag-open letter si Kier sa anak n’ya na ang tunay palang pangalan ay “Aynrand Danielle.”

Heto ang ilang paragraphs sa open letter na ‘yon:

“… Aynrand, I don’t really say much about our relationship because I am certain that both of us know the truth. I believe that no matter what you say now can never change the truth and the memories we had.

“… I’m here, I will always be here. Bata ka pa lang lagi na kitang hinahabol, you don’t know what I had to do just to see you. Until now, I’m still waiting for our meeting.

“… I want you to know that I was the first man who ever loved you and that no matter what, you will always be my daughter. I will continue to pray for you and your family. Hindi importante ang opinyon ng iba. Para sa akin, kasama ang Legaspi family, you will have a special place in our hearts.

“I wish nothing but the best for you. May God bless you and everyone you love.” 

Parang si Marjorie ang may pagkukulang sa ‘di pagpapaalala sa anak n’yang si Dani na maraming nag-aruga at nagmahal sa kanya bago nito (Marjorie) napangasawa ang aktor na si Dennis Padilla, at nagkaroon sila ng ilang anak na kinabibilangan ng ngayo’y sikat na sikat ng si Julia Barretto. 

Si Dennis man ay ini-ignore ni Dani na may naging papel sa buhay n’ya kahit paano.

Sana ay matutong magpatawad at magpakumbaba si Dani kung sa tingin n’ya ay maraming pagkukulang sa kanya ang mga kadugo n’ya. Nakaka-bad karma ang pagkakaroon ng napakaraming sama ng loob at kimkim na ngitngit at galit.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top