Tuesday , June 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / EJ Salamante hinuhulaang magiging big winner sa Bakclash Grand Finals
EJ Salamante hinuhulaang magiging big winner sa Bakclash Grand Finals

EJ Salamante hinuhulaang magiging big winner sa Bakclash Grand Finals

Ang segment sa Eat Bulaga na “BakClash” ang isa sa nagpapasaya sa studio audience at televiewers kaya marami na ang nasa-sad dahil papalapit na ang Grand Finals nito at magka­kaalaman na kung sino ang tatanghaling big winner.

At ang hula ng marami ang super talented na impersonator ni Regine Velasquez na si EJ Salamante ito. Pero hindi pa tayo nakasisiguro dahil lahat ng co-finalists ni EJ ay pawang mahuhusay rin sa biritan at magbigay ng komento na medyo awkward sa bawat performance pero swabe naman.

Araw-araw ay may celebrity judge na huhusga sa bawat finalist mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Kung sa prelimi­nary round ay bongga na, what more ang mang­yayari sa grand finals kaya’t ka­abang-abang talaga ito kaya’t huwag ninyong palalampasin.

Fabulous ang maiuuwing prizes ng kauna-una­hang Backlasher sa Eat Bulaga na may chance pang sumikat.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top