Friday , April 26 2024
Stab saksak dead

Lady lawyer todas sa ‘katagpo’

ISANG abogada ang napaslang sa saksak ng hindi pa kilalang salarin na sinabing katatagpuin ng biktima sa Barangay Talon 5 Las Piñas City kahapon ng madaling araw.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Las Piñas Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Charmaine Mejia, 31, ng 626 Unit B RO Santos St. Barangay New Zaniga, Manda­luyong City.

Base sa ulat na nakarating kay Las Piñas City Police chief, S/Supt. Simnar Gran, nangyari ang pananaksak sa hara­pan ng FDJ Apartelle sa Marcos Alvarez Avenue, Barangay Talon 5 ng nasabing lungsod dakong 3:30 am.

Base sa ulat ng pu­lisya, nabatid na may­roong katatagpuin ang biktima sa naturang lugar na ikinokonsidera nga­yong isa sa mga suspek.

Dito inundayan ng suspek nang mga saksak ang biktima at nang duguang bumulagta ay mabilis na tumakas.

Isinugod ng mga taong nagmamalasakit sa naturang lugar ang biktima ngunit nilagutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Sinabi ni Gran, sa pahayag ng kapatid ng biktima, na isa rin abogada (hindi binanggit ang pangalan), bago mangyari ang insidente, tumawag sa kanya ang kapatid na magpupunta sa Las Piñas dahil may kakausaping tao.

Ilang oras ang naka­lipas muling tuma­wag ang biktima at sinabi sa kanyang kapatid na na­sak­sak siya.

Nalaman na lamang na binawian na ng buhay ang kapatid sa nasabing pagamutan.

Nawawala ang bag ng biktima na naglalaman ng mahalagang gamit.

Isang cellphone ang nakuha sa pinangyarihan ng insidente at dito nakita ang palitan ng mensahe sa text sa bawat isa sa kanila.

“May nabasa kami sa text na pinamamadali ang biktima ng kanyang kau­sap na duma­ting dahil sinabing gabi na…” ani Gran. Nabatid nang mag­tungo ang biktima sa nasabing lugar ay lulan siya ng kanyang sasakyan na Nissan Sedan.

Blanko pa rin ang pulisya na matukoy kung sino ang katagpo ng biktima sa naturang lugar. Inaalam rin kung nahagip ng close circuit television (CCTV) camera ang insidente.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *