Sunday , May 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Edu, target maging Speaker of The House
Edu, target maging Speaker of The House

Edu, target maging Speaker of The House

AKALA namin ay sa FPJ’s Ang Probinsyano lang mamamaalam si Edu Manzano bilang si President Cabrera. Pero iiwan na rin pala nito ang showbiz sakaling manalo siya sa eleksiyon.

Balitang pinangakuan siya ni Vice Mayor Janella Ejercito na magkaroon ng office sa San Juan City Hall para full time siya roon.

Biniro si Edu kung bakit pa siya baba ng puwesto eh, president na siya sa Ang Probinsyano. Aniya, idol niya si dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo kaya gusto rin niyang maging Speaker of the House.

Nilinaw ni Edu, na talagang gusto niya ang public service kaya naman kapag nanalo siya ay iiwanan na ang showbiz at tututok na sa pagseserbisyo sa bayan.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top