Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, nakapili na ng 48 winners para sa Kris wear statement shirts
Kris, nakapili na ng 48 winners para sa Kris wear statement shirts

Kris, nakapili na ng 48 winners para sa Kris wear statement shirts

NAPILI na ni Kris Aquino ang 48 winners na makatatanggap ng statement shirts mula sa kanyang Zalora Wear Kris Birthday Collection. Itsek niyo na lang sa Instagram post ni Kris (@krisaquino) noong February 1 ang mga pangalan or account names ng winners.

Noong January 30 ini-launch ng Zalora in time sa nalalapit na 48th birthday ni Kris sa February 14 ang mga bagong damit pambabae – dresses, tops, statement shirts – na may touch ng Kris Aquino fashion. Dahil nga she’s turning 48, kaya naisip niyang magbigay ng 48 statement shirts  in partership with Zalora sa kanyang supporters at social media followers na nanood ng LIVE launch ng kanyang birthday collection sa Instagram.

Siyempre nangunguna sa statement shirts na iyan ang signature phrase ni Kris na Love Love Love. Mayroon ding Queen, Girl Boss, Live Life, Bongga, at O.M.G.

Nakatutuwa si Kris kasi imbes na siya ang regaluhan sa kanyang birthday ay siya pa ang namimigay ng mga regalo ngayong birth month niya. That’s how generous she is.

Kasabay ng pag-post ni Kris ng 48 winners ng statement shirts  ay ibinalita rin niya sa IG post ang kanyang Ever Bilena Kris Life Kit birthday bundle deals at special celebration Kris lipstick sets.

Iaanunsiyo niya rin soon ang gagawin niyang pamimigay sa kanyang followers ng paborito niyang lipstick shades na Life at Lucky.

Ayon sa IG post ni Kris, “Thank you @zaloraph for my #wearkris birthday collection launch. Please watch this video to see if you are 1 of the 48 winners of the statement shirts.

For all updates, start following @zaloraphon IG and download their app.

Thank you @everbilenaofficia  and @krislifekit for the birthday bundle deals and the special celebration Kris lipstick sets for my followers. We’ll post very soon about how we’ll share my favorite shades (#life #lucky) in the lipliner, matte matic lipstick, and the matte liquid lipstick as part of my February birth month celebration. #spreadlove  #sharethelove #lovelovelove

Abang-abang lang sa mga announcement ni Kris sa kanyang social media accounts dahil marami pa siyang pasabog at mga regalong ipamimigay para sa kanyang birthday.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top