Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Chairwoman, driver slay, solved — QCPD
Chairwoman, driver slay, solved — QCPD

Chairwoman, driver slay, solved — QCPD

ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang kaso ng pama­maslang kay Brgy. Bagong Silangan chair­woman, Crisell Beltran at sa driver niyang si Melchor Salita maka­raang maaresto ang apat na suspek sa follow-up operation sa lungsod.

Sa ulat ni QCPD Director, Chief Supt Jose­­lito Esquivel, nadakip na sina Teofilo Formanes, 48 anyos, market inspector sa Commonwealth Market; at magkakapatid na sina Ruel Juab, 38, delivery boy; Orlando Juab, 32; at Joppy Juab, 28,  kapwa vendor.

Si Formanes ang naunang nadakip nitong 1 Pebrero 2019 sa Com­monwealth Market ng mga operatiba ng Crimi­nal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni Chief Insp. Elmer Monsalve.

Positibong kinilala ng ilang saksi sa krimen si Formanes.

Nakuha kay For­ma­nes ang isang 9mm kalibre at tinangka pang bumu­not ng baril pero agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Itinuro ni Formanes  ang magkakapatid na Juab. Sila ay naaresto sa No. 38 Steve St.,  Brgy. Com­monwealth.

Nakuha sa magka­kapatid ang isang shooters caliber 9MM, isang kalibre .38 paltik, i­sang  Magnum caliber .22  revolver at apat cellular phones.

Nang arestohin ang magkakapatid, dinakip din sina  Miguel Juab, 26, Mangmang Rasia, 26, at Boy Fernandez, 52, dahil sa pagharang sa mga operatiba para dakipin ang apat.

Kakasuhan  sila ng  obstruction of justice.

Ikinanta ni Formanes na isang Cosette Capis­trano, 50, namama­su­kan sa administration office ng Commonwealth Market, ang nagtago sa baril ng isa pang suspek na si  Warren Juab, pinsan ni Capistrano.

Dinampot si Capis­trano at sinamahan ang mga pulis sa kinaro­roo­nan ni Warren sa Unit 312 LRB Building 7, Republic Ave., Brgy. Holy Spirit.

Habang papalapit sa lugar ni Warren,  sumi­gaw si Capistrano bilang babala kay Warren.

Dahil dito, nagawang makatakas ni Warren kasama ang isang suspek na si Dutch Boy Bello, 34.

Si Capistrano ay inaresto rin at sasam­pa­han ng kasong obstruc­tion of justice gayondin si Angelie Juab, 27,  asawa ni Warren, na tumulong sa pagtakas kasama si Bello.

Nakuha kay  Angelie ang 23 pirasong bala ng kalibre .45.

Matatandaan, sina Beltran at Salita ay tinambangan sa Brgy. Bagong Silangan nitong 30 Enero 2019 dakong 11:33 am, habang lulan ng puting Ford Everest  may plakang NDO 612.

Nasugutan sa insidente ang isang 14 -anyos nang tamaan ng ligaw na bala. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top