Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / QCPD kinakaladkad ng isang alyas Ryan Jueteng
QCPD kinakaladkad ng isang alyas Ryan Jueteng

QCPD kinakaladkad ng isang alyas Ryan Jueteng

SINO ba itong isang alyas Ryan Jueteng na kinakaladkad ang Quezon City Police District (QCPD) para sa kanilang operasyon?!

Ayon sa impormasyon na nakarating sa inyong lingkod, ‘guerrilla type’ umano ang operasyon ng jueteng ni  alyas Ryan.

‘Guerilla type’ para  hindi madakma ng mga operatiba.

Pero mukhang ‘nakakapa’ ng matitinik na ‘intelligence’ ang guerrilla type operations ni alayas Ryan.

Ang nakapagtataka, kahit guerrilla type ang kanyang operasyon, e parang mas siga pa raw kay QCPD director, C/Supt. Joselito Esquivel ‘yang si alyas Ryan.

Kaya ang tanong, kanino ba nanghihiram ng tapang si alyas Ryan para mamayagpag ang kanyang  ‘guerilla type’ na jueteng?

Hindi ba’t matagal nang iniaangal ni PCSO GM Alexander Balutan ‘yan? Kaya nga maging si NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar ay nag-utos na patahimikin na ang jueteng.

E bakit nga laging happy si alyas Ryan Jueteng?!

Pakikapa na nga po sa Intel ninyo, Gen. Esquivel!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top