Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo umamin na, exclusively dating sila ni Maine 
Arjo umamin na, exclusively dating sila ni Maine 

Arjo umamin na, exclusively dating sila ni Maine 

NAKAUSAP ng ilang entertainment press si Arjo Atayde pagkatapos ng presscon ng TOL at inamin niyang exclusively dating sila ni Maine Mendoza na nagtataka ang lahat kung ano ang pagkakaiba nito sa magkarelasyon na.

Hindi na lang kinulit ng lahat ang aktor dahil ayaw na nitong magbigay pa ng detalye pero tinanong kung ano ang nagustuhan niya sa dalaga.

“Everything. I’m just really happy. She makes me laugh all the time,” matipid na sagot ng binata.

At simula nang ma-link si Arjo kay Maine ay dito na nagsimulang i-bash ang buong pamilya Atayde dahil ginagamit daw nila ang aktres.

Sabi ni Arjo, “I would fight if the girl is willing to fight for me, to be honest. She’s had enough bashing and also with my family, ano lang ako, eh for me to insult me is fine. I’m a very passive person.

“But to insult my family and Maine, sabi ko nga sa social media, I let it go, wala akong kalaban diyan, eh. But do it in front of me, I’m sure I’m gonna hit the hell out of you.

“That’s the only one thing that I don’t know how to get mad, I don’t know how to disrespect people. I despise disrespectful people.

“If they disrespect me, it’s fine though. But for my family to get affected, for Maine to be disrespected like anything, that’s not okay with me.

“But in front of me, try it. I dare you, guys. I dare you!” pahayag ni Arjo.

Marami ang nagsabing tila naghamon pa si Arjo sa mga sagot niya, ang paliwanag namin ay napuno na siya dahil idinamay ang mga mahal niya sa buhay.

Dagdag pa, “I understand and I try to understand, were just passive about it, we still go out but siguro for me lang is I can’t do anything nga wala po akong laban sa social media. Tao-tao, you do it to me in person, don’t keep talking on troll accounts and all that stuff kasi it ain’t gonna work for me or ain’t gonna work that way. I cannot fight back (to) nameless, faceless people (sabay ngiti). 

“I cannot, it’s a waste of time. That’s a no brainer thing to do, I’m sorry but it’s true. I can sue you. Honestly all the bashers, I’m trying to understand where you coming from, but to disrespect my family and Maine, this is a personal thing.

“To the bashers, keep going it’s not gonna affect us, weren’t gonna shut anything down because of you guys, were dating and I’m happy.”

Nabanggit din na kapag magkasama sina Arjo at Maine ay hindi nila pinag-uusapan ang kanilang mga trababo.

“We haven’t talk about it and Maine has nothing to do with my work at all,” sagot pa ng binata.

Posible bang magsama sila ni Maine sa project? “I’m on the personal side, this is not the showbiz thing, we haven’t talk about anything like that but if it happens, thank you Lord, we got to work together, but if we don’t it doesn’t really matter. What matters to me is the personal side.”

Kung si Alden naman ang makakatrabaho ni Arjo, “I’m open to anyone and I said this a lot of times, wala po akong pinipiling artista. If the production team or bosses think the character of the actor fits the role, that’s how I am. I’ve been working for seven years and I’ve been working with all these actors left and right and I have no say, I’m just very thankful kasi ang mga ibinibigay sa akin na katrabaho ko, mahuhusay! So I’m learning that way and I’m so happy.”

Maine, nag-tweet ng ka-cute-an ni Arjo

Samantala, klinaro ni Arjo na hindi sila sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles nagkakilala ni Maine kundi sa launching ng Mac cosmetics na ineendoso ng dalaga at naimbitahan ang aktor kasama ang kapatid na si Ria Atayde.

Naunang nag-tweet si Maine noong 2013 ng, “Arjo cutie.”

Going back to TOL, mapapanood na ito sa Enero 30 mula sa Reality Entertainment.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top