Friday , April 26 2024

Bacolod COP sinibak ni Duterte (Sangkot sa ilegal na droga)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng pulisya sa Baco­lod City dahil sa pagkaka­sangkot sa illegal drugs.

“I’d like to know if the chief of police is here. If you are here kindly stand up because you are fired as of this moment,” anang Pangulo sa kanyang ta­lum­pati sa L’Fisher Hotel sa Bacolod City kama­kalawa.

“In your involvement in drugs and making the people of Bacolod mise­rable, I am relieving and dismissing you from the service as of now, senior superintendent Francis Ebreo,” aniya.

Inianunsyo rin ng Pangulo ang pagsibak sa tatlo pang opisyal.

“Then you have Superintendent Tayuan… And Superintendent Yatar… and there is Victor Paulino, police SI… Maca­pagal, you are out,” dagdag niya.

Inutusan niya ang mga pulis na mag-report sa kanyang tang­gapan ngayong 2:00 ng hapon.

Ayon sa Pangulo, pinoprotektahan ng nasa­bing mga pulis ang drug syndicate sa lungsod.

“But these persons that I have mentioned have something to do with the interest of the city… you are protecting, or you are in cahoots with the drug syndicate in the city,” giit niya.

Sina Ebreo, Maca­pagal at Paulino ay inilipat sa regional police Personnel Holding & Accounting Unit.

Samantala sa hiwa­lay na reassignment itinalaga si S/Supt. Henry Farnaso Biñas bilang office-in-charge ng Bacolod police.

Nitong nakaraang Sabado, sinibak din ng  Philippine National Police ang lahat ng police of­ficers kabilang ang hepe ng Daanbantayan station dahil sa poor performance sa anti-drug campaign.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *