Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Joma Sison ilusyonado — Palasyo
Joma Sison ilusyonado — Palasyo

Joma Sison ilusyonado — Palasyo

MAHILIG mag-ilusyon si Communist Party of the Philippines (CPP) found­ing chairman Jose Ma. Sison gaya ni Sen. Antonio Trillanes IV.

“E… just like the rebel senator, he is an illusionist; a visionary that has become illusory. Palagay ko panahon na magka­roon siya ng enlighten­ment,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa paha­yag ni Sison na prayo­ridad ng CPP-NPA na patalsikin si Duterte ngayong 2019.

Ayon kay Panelo, wala na sa realidad si Sison at hindi itinuturing ng administrasyong Duterte na maselan ang banta niya.

Tiniyak ni Panelo na nakahanda ang militar sa mga pag-atake ng NPA sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Wala naman tala­gang maselan na threat iyong… kay Sison mismo. Pero iyong nasa ground na sila ang gumagawa ng mga pagsalakay, iyon ang mga banta – but ready naman ang ating Armed Forces diyan,” dagdag ni Panelo.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top