Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Baril itinutok basagulero arestado

Baril itinutok basagulero arestado

INARESTO ng pulisya ang isang siga at basagulerong lalaki matapos maghamon ng away at tutukan ng baril ang kapitbahay sa Marilao, Bulacan.

Sa ulat mula sa Marilao police, kinilala ang naarestong suspek na si Ryan Palasigue, 20-anyos, samantala ang biktima ay si  Roger Palmiano, kapwa residente sa Prenza 1, sa naturang bayan.

Nabatid sa ulat na dakong 10:30 ng gabi kamakalawa nang sumugod si Palasigue sa bahay nina Palmiano habang sumisigaw nang malakas.

Sa pag-aakalang kung ano ang nangyari ay binuksan ni Palmiano ang pinto ng kanilang bahay ngunit nagulat nang tutukan ng baril ni Palasigue kasunod ang banta na papatayin siya.

Bago nakalabit ng suspek ang baril ay kaagad naisara ni Palmiano ang pinto at saka nagtago sa loob ng kanilang bahay.

Nakarating sa kaalaman ng pulisya ang panggugulo ni Palasigue kaya agad silang nagresponde na kanyang ikinaaresto bago makatakas.

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top