Friday , November 15 2019
Breaking News
You are here: Home / News / NPA taga-tumba ng ‘kalaban’
NPA taga-tumba ng ‘kalaban’

NPA taga-tumba ng ‘kalaban’

HINDI dapat magpa­gamit ang New People’s Army (NPA) bilang ‘taga-tumba’ ng mga kalaban ng mga poli­tiko.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kama­kalawa ng gabi sa Daraga, Albay, na hindi dapat nakikialam sa ganitong pamamaraan ang NPA bagkus ay haya­ang pumili ang mga tao kung sino ang gusto nilang iluklok sa puwesto.

Ayon sa Pangulo, kahit pa asal-hayop o aso ang isang politiko, kung siya ang gustong iboto ng publiko, walang dapat na humadlang dito.

Sinabi ng Pangulo, kung talagang gusto ng NPA na protektahan ang kapakanan ng publiko, huwag makialam sa proseso ng eleksiyon.

Tinukoy ng pangulo ang madalas na paghingi ng pera o extortion activi­ties ng NPA sa mga kandidatong gustong mangampanya sa mga liblib na lugar.

Katuwiran ng pa­ngulo, paano maka­pa­ngangampanya ang kandidato lalo na kung dukha, kung panay ang huthot ng pera ng komunistang grupo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top