Wednesday , June 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bashers ni Regine, followers ng mga artistang nawalan ng programa
Bashers ni Regine, followers ng mga artistang nawalan ng programa

Bashers ni Regine, followers ng mga artistang nawalan ng programa

 

ISA pa naman iyang si Regine Velasquez, na wala na ring magawa kundi tanungin ang kanyang bashers ng kung, “ano ba ang ginawa kong masama sa iyo.”

Nagsimula iyan noong lumipat siya ng network, at ang initial reaction nga ng mga tao, mukhang bitter ang dati niyang network sa kanyang pagkakaalis, kaya may mga namba-bash sa kanya. Pero hindi naman dapat ganoon dahil nga maayos naman siyang nagpaalam, at sinabi naman ng dati niyang network na wala pa sila talagang magagawang shows na kagaya ng gusto ni Regine.

Ngayon medyo nagiging mas malinaw na. Iyong mga basher niya ay hindi pala followers ng dati niyang network kundi ng ibang artists na naapektuhan ng kanyang paglipat sa bago niyang network. May mga show kasing kailangang magpalit ng format para sa kanya. Mayroon ding shows na aalisin na para bigyang daan ang bagong shows na ang bida nga ay si Regine.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top