Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya tiniyak, hindi siya pagseselosan ni Jen (sa intimate scenes nila ni Dennis)
Sanya tiniyak, hindi siya pagseselosan ni Jen (sa intimate scenes nila ni Dennis)

Sanya tiniyak, hindi siya pagseselosan ni Jen (sa intimate scenes nila ni Dennis)

TINIYAK ni Sanya Lopez na hindi siya pagseselosan ni Jennylyn Mercado kahit na may intimate scenes sila ni Dennis Trillo sa Cain At Abel.

“Actually for… ako po ha, personally, hindi naman po ako natatakot dahil I know na hindi naman ako pagseselosan ni Ate Jen, kasi alam ko po na malawak ‘yung pang-unawa ni Ate… ni Ms. Jennylyn Mercado, para pagselosan ako.

“So, naniniwala ako na hindi kami darating… hindi darating na magseselos talaga si Ate Jen sa akin,” says Sanya.

Kahit mapanood ni Jen ang kissing scene nila ni Dennis ay walang dahilan para mag­karoon ng selo­san.

READ MORE:  Jao Mapa, karangalang makatrabaho si Ms. Anita Linda

“Siguro po maiintindihan naman niya lahat ng nangyayari, kasi I know Ate Jennlyn is a…well, best actress po siya for me, at isa siya sa mga hinahangaan ko, so I think maiintindihan niya ‘yung sitwasyon po talaga namin.”

Masuwerte siya na siya ang leading lady ni Dennis ngayon. ”Grabe! Sobrang… until now ‘yun nga po, na-a-amaze pa rin ako, na totoo ba ‘yung nangyayari sa akin ngayon?”

Bago ang Cain At Abel ay sa  Haplos  napanood si Sanya kasama si Rocco Nacino.

Magkaibigan pa rin sila ni Rocco at happy naman siya na lovelife si Rocco ngayon.

READ MORE:  Pagiging talkative, parusa sa show ni Richard

“Well, I know na po na mayroon siyang love life before pa.”

Walang karelasyon si Sanya, pero may mga nanliligaw ba sa kanya?

“Ngayon kasi hanggang kai-kaibigan lang muna, kung manligaw sila, manligaw sila, okay lang, pero hindi ko pa po iniisip na… tingnan natin kung sino ‘yung magtatagal at kayang mag-sacrifice for you, ‘di ba, kung sino ‘yung magiging patient.”

Umiwas naman si Sanya na i-reveal kung artista ang nanliligaw sa kanya ngayon.

Masaya naman ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza.

READ MORE:  Angelica, may iba raw lalaking kasama sa HK (3 linggong ‘di nag-usap at nag-cool off pa)

“Happy po ako sa kanya, at ang nakatutuwa kasi sa kanilang dalawa very barkada lang silang dalawa eh, so hindi ka ma-o-OP [out-of-place] ‘pag dumating ‘yung… kahit lagi akong third wheel,” at tumawa si Sanya.

Paano kung biglang magsabi ang dalawa na magpapakasal na ang mga ito?

“Eh ‘di go! Kung kaya ninyo na, kung kaya ninyo ng mabuhay dalawa, eh ‘di go!

“Pero kung hindi pa naman, enjoy-in ninyo muna, huwag muna kayong magmadali, kasi mas masaya na… ibang klase na ‘pag ikinasal na kayo, ibang buhay na ‘yun,” sinabi pa ni Sanya.

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top